Lourd de Veyra
Lourd Ernest Hanopol de Veyra (born February 11, 1975) is a multi-awarded Filipino musician, emcee, poet, journalist, broadcast personality and activist who first became famous for being the vocalist of Manila-based jazz rock band Radioactive Sago Project.
De Veyra graduated with a Bachelor of Arts in Journalism from the University of Santo Tomas.
While i'm looking for a nice source to make a post, one of my college friend told me to search Lourd de Veyra's blogs. She said that this guy is one of the best blogger in our country and aside from that he is a multi awarded Filipino musician, emcee, poet etc .. And upon viewing his page www.lourddeveyra.com i saw this video "Ang Tunay na Lalake Walang Abs".
Masyadong busy ang tunay na lalake sa pakikipagdigma sa larangan ng buhay para mag-abdominal exercises. Ang tunay na lalake kadalasa’y walang panahon sa gym dahil okupado ang katawan at isip nila sa paglikha--- paglikha ng mga siyantipikong teorya, mga obrang makasining, mga prinsipyong pang-rebolusyon para mabago ang lipunan. Wala silang oras para sa pang-araw-araw na 100 sets ng crunches, 45 minutes ng cardio, at dalawang oras ng pagtitig sa kanilang katawan sa salamin.
Puwera na lang kung ang iyong kabuhayan package ay may kinalaman sa pagkakaroon ng maskuladong sikmura. Suwerte ka na lang pag ganoon: binabayaran ka para maging seksi (Pero di ba ganun din ang job description ng mga dalagitang nagtatrabaho sa Quezon Avenue?) Siyanga pala, yung mga construction workers at kargador sa pier, magaganda rin ang mga abs. Pero suwerte nga ba talaga sila?
Siguro. Sino ang may ayaw ng Hummer, mansion, at libo-libong nagsisigawang mga tagahanga? Ang mga artistang yun, milyon-milyon nga ang kinikita sa mga endorsements, pero ano naman ang kapalit? Araw-araw na almusal-tanghalian-hapunan ng kamote at nilagang itlog lang? Kangkong at tokwa? Meryenda na Sky Flakes at tubig? Ang saya, no?
Kaya, mga 'tol, mag-kanin na lang ulit kayo. Andaming nagugutom sa mundo, abs pa rin ang problema niyo.